Add parallel Print Page Options

Ang bahagi ng mga saserdote.

28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; (A)ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pagaari sa Israel; ako'y kanilang pagaari.

29 Sila'y magsisikain (B)ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at (C)bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

30 At ang (D)una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang (E)una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.

Read full chapter