Ezekiel 44:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At iyong sasabihin sa (A)mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,
7 Sa inyong (B)pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang (C)aking tinapay, (D)ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.
8 At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y (E)nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978