Font Size
Ezekiel 45:15-17
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 45:15-17
Ang Biblia, 2001
15 at isang batang tupa mula sa bawat kawan na dalawandaan, mula sa mga masaganang pastulan ng sambahayan ng Israel. Ito ang handog na butil, handog na susunugin, at handog pangkapayapaan, upang ipantubos sa kanila, sabi ng Panginoong Diyos.
16 Ang buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa pinuno sa Israel.
17 Magiging tungkulin ng pinuno na magbigay ng mga handog na sinusunog, mga handog na butil, mga inuming handog, sa mga kapistahan, sa mga bagong buwan, sa mga Sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sambahayan ni Israel. Siya'y maghahanda ng handog pangkasalanan, handog na butil, handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan upang ipantubos sa sambahayan ni Israel.
Read full chapter