Add parallel Print Page Options

At inyong itatakda ang pagaari ng bayan na limang libo ang luwang, at dalawang pu't limang libo ang haba, sa tabi ng alay na banal na bahagi: magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel.

Magkakaroon naman para sa (A)prinsipe (B)ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pagaari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pagaari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan.

Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng (C)aking mga prinsipe ang aking bayan; (D)kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel (E)ayon sa kanilang mga lipi.

Read full chapter