Add parallel Print Page Options

Ito'y magiging kanyang pag-aari sa Israel. Hindi na aapihin pa ng aking mga pinuno ang aking bayan, kundi ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi.

Ang mga Tuntunin para sa Pinuno

“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Tama na, O mga pinuno ng Israel! Alisin ninyo ang karahasan at pang-aapi, at magsagawa kayo ng katarungan at katuwiran. Ihinto na ninyo ang pagpapaalis sa aking bayan, sabi ng Panginoong Diyos.

10 “Kayo'y(A) magkakaroon ng mga tamang timbangan, tamang efa, at tamang bat.

Read full chapter