Font Size
Ezekiel 45:9-11
Ang Biblia (1978)
Ezekiel 45:9-11
Ang Biblia (1978)
Ang katungkulan ng mga pinuno.
9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.
10 Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na (A)timbangan; (B)at ganap na efa, at ganap na bath.
11 Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan, upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang (C)homer, at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer: ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978