Font Size
Ezekiel 45:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 45:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Tuntunin para sa Pinuno
9 Ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Mga pinuno ng Israel, tigilan na ninyo ang karahasan at pang-aapi sa aking bayan. Sa halip, pairalin ninyo ang katarungan at ang katuwiran. Tigilan na ninyo ang pangangamkam sa lupain ng aking bayan.
10 “Ang(A) inyong timbangan, sukatan ng harina, at kiluhan ay kailangang maaayos, walang daya, at husto sa sukat. 11 Ang panukat na ginagamit sa mga harina at ang panukat na ginagamit sa langis ay kailangang pareho ang sukat, tig-ikasampung bahagi ng isang malaking sisidlan;[a] ang malaking sisidlan naman ay ang pamantayan ng sukat.
Read full chapterFootnotes
- 11 MALAKING SISIDLAN: Ang sisidlang ito ay maaaring maglaman ng timbang na halos 220 litro.