Ezekiel 46:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa (A)tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda (B)ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.
3 (C)At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan.
4 At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon (D)sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978