Add parallel Print Page Options

11 Ngunit ang kanyang mga dakong maburak at mga lumbak ay hindi magiging tabang; ang mga ito ay maiiwan upang maging asinan.

12 At(A) sa mga pampang ng ilog sa isang dako at sa kabila, ay tutubo roon ang lahat ng uri ng punungkahoy bilang pagkain. Ang kanilang mga dahon ay hindi matutuyo, ni mawawalan man ng kanilang bunga, kundi magbubunga ng sariwa buwan-buwan, sapagkat ang tubig para sa kanila ay umaagos mula sa santuwaryo. Ang kanilang bunga ay magiging pagkain at ang kanilang dahon ay pampagaling.”

Ang mga Hangganan

13 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: “Ito ang magiging hangganan na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labindalawang lipi ng Israel. Ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi.

Read full chapter