Ezekiel 5:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)Ang ikatlong bahagi mo ay (B)mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; (C)at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran.
13 Ganito magaganap ang aking galit, at (D)aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila, at ako'y maaaliw: at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa (E)aking pagsisikap, pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila.
14 Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at (F)kapulaan, sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo, (G)sa paningin ng lahat na nagsisidaan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978