Add parallel Print Page Options

13 “Ganito uubusin ang aking galit, at aking lulubusin ang aking poot sa kanila, at ako'y masisiyahan. Kanilang malalaman na ako, ang Panginoon, ay nagsalita sa aking paninibugho, kapag aking inubos ang aking poot sa kanila.

14 Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at tampulan ng pagkutya sa gitna ng mga bansa na nasa palibot mo, sa paningin ng lahat ng dumaraan.

15 Ikaw ay magiging kasiraan at pagtatawanan, isang babala at katatakutan sa mga bansang nasa palibot mo, kapag ako'y naglapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa poot kasama ang mababagsik na pagsaway—ako, ang Panginoon, ang nagsalita—

Read full chapter