Add parallel Print Page Options

Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ito ay Jerusalem. Inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa, at ang mga lupain ay nasa palibot niya.

Ngunit siya'y naghimagsik na may kasamaan laban sa aking mga tuntunin na higit kaysa mga bansa, at laban sa aking mga batas na higit kaysa mga lupain na nasa palibot niya, sa pamamagitan ng pagtatakuwil sa mga tuntunin at hindi paglakad ayon sa aking mga batas.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat kayo'y mas magulo kaysa mga bansa na nasa palibot ninyo, at hindi kayo lumakad sa aking mga tuntunin o iningatan man ang aking mga batas, kundi gumawa ayon sa mga batas ng mga bansa na nasa palibot ninyo;

Read full chapter