Add parallel Print Page Options

12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, (A)Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa.

13 Sinabi rin niya sa akin, (B)Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa.

14 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.

Read full chapter