Ezekiel 8:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.
15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito.
16 At dinala niya ako (A)sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan (B)ng malaking pintuan at (C)ng dambana, (D)ay may dalawang pu't limang lalake, na (E)sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at (F)kanilang sinasamba (G)ang araw sa dakong silanganan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978