Font Size
Ezekiel 8:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 8:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Sinabi niya sa akin, “Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santuwaryo? Higit pa riyan ang ipapakita ko sa iyo.”
7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader. 8 Sinabi niya sa akin, “Lakihan mo ang butas ng pader.” Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto.
Read full chapter