Font Size
Ezra 1:2-4
Ang Biblia, 2001
Ezra 1:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Ganito(A) ang sabi ni Ciro na hari ng Persia, “Ibinigay sa akin ng Panginoon, na Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian sa lupa, at inatasan niya ako na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem na nasa Juda.
3 Sinuman sa inyo ang kabilang sa kanyang buong bayan, nawa'y sumakanya ang kanyang Diyos, at pumunta siya sa Jerusalem na nasa Juda, at muling itayo ang bahay ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, siya ang Diyos na nasa Jerusalem.
4 At sinumang naiwan, saanmang lugar siya nakikipamayan, ay tulungan siya ng mga lalaki sa kanyang kinaroroonan sa pamamagitan ng pilak at ginto, ng mga kagamitan, at ng mga hayop, bukod sa mga kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos na nasa Jerusalem.”
Read full chapter