Add parallel Print Page Options

62 Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap na mga pari. 63 Pinagbawalan sila ng gobernador ng Juda na kumain ng mga pagkaing inihandog sa Dios habang walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa pagkapari nila sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.[a]

64-67 Ang kabuuang bilang ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay 42,360, maliban sa 7,337 na mga alipin nila, at 200 lalaki at babaeng mang-aawit. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola,[b] 435 kamelyo, at 6,720 asno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:63 “Urim” at “Thummim”: Dalawang bagay na ginagamit sa pagkaalam ng kalooban ng Dios.
  2. 2:64-67 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.