Add parallel Print Page Options

68 At ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan, nang sila'y dumating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nag-alay ng kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos, upang ito ay itayo sa lugar nito.

69 Ayon sa kanilang kakayahan, sila ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain, ng animnapu't isang libong darikong ginto, limang libong librang pilak, at isandaang kasuotan ng mga pari.

70 Ang(A) mga pari, mga Levita, at ang ilan sa taong-bayan ay nanirahan sa Jerusalem at sa paligid, at ang mga mang-aawit, mga bantay-pinto, at ang mga lingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.

Read full chapter