Font Size
Ezra 2:69-70
Ang Biblia, 2001
Ezra 2:69-70
Ang Biblia, 2001
69 Ayon sa kanilang kakayahan, sila ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain, ng animnapu't isang libong darikong ginto, limang libong librang pilak, at isandaang kasuotan ng mga pari.
70 Ang(A) mga pari, mga Levita, at ang ilan sa taong-bayan ay nanirahan sa Jerusalem at sa paligid, at ang mga mang-aawit, mga bantay-pinto, at ang mga lingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.
Read full chapter