Font Size
Ezra 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezra 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ipinagdiwang(A) din nila ang Pista ng mga Tolda gaya ng nakasulat, at araw-araw ay nagsusunog sila ng mga handog na ukol sa bawat araw. 5 Bukod(B) dito, nag-alay sila ng mga palagiang handog na sinusunog, mga handog para sa panahon ng Pista ng Bagong Buwan at para sa lahat ng kapistahang itinalaga ni Yahweh. Nag-alay din sila ng mga kusang-loob na handog para kay Yahweh. 6 Sa pagsapit ng unang araw ng ika-7 buwan, sinimulan na nilang maghandog kay Yahweh kahit hindi pa nasimulang muling itayo ang Templo.
Read full chapter