Add parallel Print Page Options

pagkatapos(A) niyon ay ang patuloy na handog na sinusunog, at mga handog sa mga bagong buwan at sa lahat ng takdang kapistahan sa Panginoon, at ang handog ng bawat isa na gumawa ng kusang-loob na handog sa Panginoon.

Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, sila ay nagsimulang mag-alay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon. Ngunit ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nailalagay.

Pinasimulan ang Muling Pagtatayo ng Templo

Kaya't sila'y nagbigay ng salapi sa mga kantero at sa mga karpintero; at ng pagkain, inumin, at langis sa mga taga-Sidon at sa mga taga-Tiro upang magdala ng mga kahoy na sedro mula sa Lebanon patungo sa dagat, hanggang sa Joppa, ayon sa pahintulot na tinanggap nila buhat kay Ciro na hari ng Persia.

Read full chapter