Add parallel Print Page Options

Pinasimulan ang muling pagtatayo ng templo.

Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si (A)Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa (B)dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.

Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni (C)Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.

10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na (D)bihis, na may mga (E)pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga (F)simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, (G)ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.

Read full chapter