Ezra 3:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Nang ikalawang taon ng kanilang pagdating sa bahay ng Diyos sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, sina Zerubabel na anak ni Shealtiel at si Jeshua na anak ni Jozadak ay nagpasimulang maglingkod, kasama ang iba pa nilang mga kapatid, ang mga pari at mga Levita at silang lahat na dumating sa Jerusalem mula sa pagkabihag. Kanilang hinirang ang mga Levita, mula sa dalawampung taong gulang pataas, upang mamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
9 Si Jeshua at ang kanyang mga anak at mga kamag-anak, si Cadmiel pati ang kanyang mga anak na lalaki, at ang mga anak ni Juda, ay magkasamang namahala sa mga manggagawa sa bahay ng Diyos, kasama ng mga anak ni Henadad at ng mga Levita, at ng kanilang mga anak at mga kamag-anak.
10 Nang(A) ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pari sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, ang mga anak ni Asaf na may mga pompiyang, upang magpuri sa Panginoon, ayon sa mga tagubilin ni David na hari ng Israel.
Read full chapter