Ezra 3:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni (A)Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.
10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na (B)bihis, na may mga (C)pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga (D)simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, (E)ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.
11 (F)At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, (G)na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978