Ezra 4:1-8
Ang Biblia, 2001
Pagsalungat sa Muling Pagtatayo ng Templo
4 Nang mabalitaan ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga bumalik na bihag ay nagtatayo ng templo para sa Panginoong Diyos ng Israel,
2 lumapit(A) sila kay Zerubabel at sa mga puno ng mga sambahayan at sinabi sa kanila, “Isama ninyo kami sa inyong pagtatayo, sapagkat sinasamba namin ang inyong Diyos na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay naghahandog sa kanya mula ng mga araw ni Esarhadon na hari ng Asiria na siyang nagdala sa amin dito.”
3 Ngunit sinabi sa kanila nina Zerubabel, Jeshua, at ng iba pa sa mga puno ng mga sambahayan ng Israel, “Kayo'y walang pakialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay para sa aming Diyos; kundi kami lamang ang magtatayo para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari ng Persia.”
4 Nang magkagayo'y pinanlupaypay ng mga tao ng lupain ang taong-bayan ng Juda, at tinakot silang magtayo.
5 Umupa sila ng mga tagapayo laban sa kanila upang biguin ang kanilang layunin, sa lahat ng mga araw ni Ciro na hari ng Persia, maging hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia.
Pagsalungat sa Muling Pagtatayo ng Jerusalem
6 Sa(B) paghahari ni Artaxerxes, sumulat sila ng isang bintang laban sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem.
7 At sa mga araw ni Artaxerxes, sumulat sina Bislam, Mitridates, Tabeel at ang iba pa sa kanilang mga kasama kay Artaxerxes na hari ng Persia. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin.[a]
8 Si Rehum na punong-kawal at si Simsai na eskriba ay sumulat ng ganito kay Artaxerxes na hari laban sa Jerusalem.
Read full chapterFootnotes
- Ezra 4:7 Sa Hebreo ay isinalin sa Aramaico, nagpapahiwatig na ang 4:8–6:18 ay isinulat sa Aramaico.