Add parallel Print Page Options

18 Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko.

19 At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.

20 Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na (A)nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila.

Read full chapter