Font Size
Ezra 4:6-8
Magandang Balita Biblia
Ezra 4:6-8
Magandang Balita Biblia
Sinalungat ang Muling Pagtatatag ng Jerusalem
6 Sa(A) simula ng paghahari ni Xerxes, ang mga kaaway ng mga Judiong naninirahan sa Juda at Jerusalem ay nagpalabas ng mga nakasulat na paratang laban sa kanila.
7 Noon namang naghahari si Artaxerxes ng Persia, lumiham dito sina Bislam, Mitredat, at Tabeel, kasama ang kanilang mga kapanalig. Sinulat ang liham sa wikang Aramaico kaya't kinailangang isalin sa pagbasa.
8 Sumulat din si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim ni Haring Artaxerxes tungkol sa kanilang pagtutol sa mga nangyayari sa Jerusalem.[a]
Read full chapterFootnotes
- Ezra 4:8 Sa orihinal na wika, ang mga talatang ito ay nakasulat sa wikang Aramaico.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.