Add parallel Print Page Options

Sinalungat ang Muling Pagtatatag ng Jerusalem

Sa(A) simula ng paghahari ni Xerxes, ang mga kaaway ng mga Judiong naninirahan sa Juda at Jerusalem ay nagpalabas ng mga nakasulat na paratang laban sa kanila.

Noon namang naghahari si Artaxerxes ng Persia, lumiham dito sina Bislam, Mitredat, at Tabeel, kasama ang kanilang mga kapanalig. Sinulat ang liham sa wikang Aramaico kaya't kinailangang isalin sa pagbasa.

Sumulat din si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim ni Haring Artaxerxes tungkol sa kanilang pagtutol sa mga nangyayari sa Jerusalem.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:8–6:18 Sa orihinal na wika, ang mga talatang ito ay nakasulat sa wikang Aramaico.