Add parallel Print Page Options

Nakinig sa kanila sina Zerubabel na anak ni Shealtiel at Jeshua na anak ni Jozadak. Kaya ipinagpatuloy nila ang pagpapatayo ng templo ng Dios sa Jerusalem. Tinulungan sila ng dalawang propeta ng Dios.

Ngunit hindi nagtagal, dumating sa Jerusalem si Tatenai na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates, si Shetar Bozenai, at ang mga kasama nila. Nagtanong sila[a] sa mga Judio, “Sino ang nag-utos sa inyo na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng templong ito?” Nagtanong pa sila, “Ano ang pangalan ng mga taong nagtatrabaho rito?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:3 sila: Ito ang nasa tekstong Septuagint at Syriac. Pero sa Aramico, kami.