Add parallel Print Page Options

Nang(A) marinig sila ni Zerubabel na anak ni Sealtiel at ni Josue na anak ni Jozadak, ipinagpatuloy ng mga ito ang pagtatayo ng Templo ng Diyos sa Jerusalem. Tinulungan sila ng mga propeta ng Diyos.

Agad namang dumating si Tatenai na gobernador ng Kanluran-ng-Eufrates at si Setar-bozenai, kasama ang iba pang mga pinuno. Tinanong ng mga ito sina Zerubabel at Josue, “Sinong nag-utos sa inyo na gawin at tapusin ang templong ito?” Tinanong pa nila,[a] “Ano ang mga pangalan ng mga lalaking nagtatrabaho rito?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4 nila: Sa ibang manuskrito'y namin .