Font Size
Ezra 6:14-16
Ang Biblia (1978)
Ezra 6:14-16
Ang Biblia (1978)
14 At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni (A)Ciro at ni (B)Dario, at ni (C)Artajerjes na hari sa Persia.
15 At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng (D)Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari.
16 At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng (E)pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978