Add parallel Print Page Options

16 At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng (A)pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.

17 At sila'y (B)nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinaka handog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.

18 At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga (C)bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat (D)sa aklat ni Moises.

Read full chapter