Font Size
Ezra 7:12-14
Magandang Balita Biblia
Ezra 7:12-14
Magandang Balita Biblia
12 “Buhat kay Haring Artaxerxes;[a] para kay Ezra na pari at eskriba ng Kautusan ng Diyos ng kalangitan,
13 “Ngayo'y ipinag-uutos ko na sinuman sa mga Israelita, mga pari man o mga Levita sa aking kaharian, na gustong sumama sa iyo pabalik sa Jerusalem ay pahihintulutan. 14 Isinusugo kita, at ng aking pitong tagapayo, upang siyasatin ang mga nagaganap sa Jerusalem at Juda. Alamin mo kung sinusunod nilang mabuti ang Kautusan ng iyong Diyos na ipinagkatiwala sa iyo.
Read full chapterFootnotes
- Ezra 7:12 Sa orihinal na wika, ang mga talatang ito ay nakasulat sa wikang Aramaico.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.