Font Size
Ezra 7:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezra 7:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Maaari ninyo siyang bigyan ng hanggang 3,500 kilong pilak, 100 malalaking sisidlang[a] puno ng trigo, 10 malalaking sisidlang puno ng alak, 10 malalaking sisidlang puno ng langis ng olibo, at gaano man karaming asin na kakailanganin. 23 Ibigay ninyo ang lahat ng kailangan sa templo na ipinag-uutos ng Diyos ng kalangitan. Kung hindi ay baka ibaling niya ang kanyang galit sa aking kaharian at sa aking mga anak. 24 Labag din sa batas na pagbayarin ng buwis ang mga pari, Levita, mang-aawit, bantay sa pinto, manggagawa o iba pang mga naglilingkod sa Templong ito ng Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 22 MALALAKING SISIDLANG: Ang mga sisidlang ito ay maaaring maglaman ng timbang na 220 litro.