Add parallel Print Page Options

19 At si Hasabias, at kasama niya'y si Isaia sa mga anak ni Merari, ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake, dalawang pu;

20 At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay (A)nasasaysay ayon sa pangalan.

Nagtanyag ng ayuno.

21 Nang magkagayo'y (B)nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y (C)magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pagaari.

Read full chapter