Ezra 8:20-22
Ang Biblia (1978)
20 At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay (A)nasasaysay ayon sa pangalan.
Nagtanyag ng ayuno.
21 Nang magkagayo'y (B)nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y (C)magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pagaari.
22 Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang (D)kamay ng ating Dios ay (E)sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na (F)nagpapabaya sa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978