Add parallel Print Page Options

22 Sapagkat nahihiya akong humingi sa hari ng mga sundalo at mangangabayo na magbabantay sa amin laban sa mga kalaban habang naglalakbay kami, dahil sinabi na namin sa hari na tinutulungan ng aming Dios ang lahat ng nagtitiwala sa kanya, pero galit na galit siya sa mga nagtatakwil sa kanya. 23 Kaya nag-ayuno at nanalangin kami sa aming Dios na ingatan niya kami, at tinugon niya ang dalangin namin.

Ang mga Handog para sa Templo

24 Pumili ako ng 12 tao mula sa mga namumunong pari, hindi kabilang sina[a] Sherebia, Hashabia, at ang sampu sa kamag-anak nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:24 hindi kabilang sina: o, na sina.