Add parallel Print Page Options

23 Kaya nag-ayuno at nanalangin kami sa aming Dios na ingatan niya kami, at tinugon niya ang dalangin namin.

Ang mga Handog para sa Templo

24 Pumili ako ng 12 tao mula sa mga namumunong pari, hindi kabilang sina[a] Sherebia, Hashabia, at ang sampu sa kamag-anak nila. 25 Pagkatapos, ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang[b] ang mga pilak, ginto, at mga kagamitang ibinigay ng hari, at ng mga tagapayo niya at mga opisyal, at ng maraming Israelita, bilang tulong sa templo ng aming Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:24 hindi kabilang sina: o, na sina.
  2. 8:25 ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang sa literal, tinimbang ko at ipinagkatiwala sa kanila.