Add parallel Print Page Options

Ang mga Handog para sa Templo

24 Pumili ako ng 12 tao mula sa mga namumunong pari, hindi kabilang sina[a] Sherebia, Hashabia, at ang sampu sa kamag-anak nila. 25 Pagkatapos, ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang[b] ang mga pilak, ginto, at mga kagamitang ibinigay ng hari, at ng mga tagapayo niya at mga opisyal, at ng maraming Israelita, bilang tulong sa templo ng aming Dios. 26-27 Ito ang aking ipinagkatiwala sa kanila:

22 toneladang pilak

3 toneladang kasangkapang pilak

3 toneladang ginto

20 gintong mangkok na mga waloʼt kalahating kilo,

2 tansong mangkok[c] na pinakintab na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:24 hindi kabilang sina: o, na sina.
  2. 8:25 ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang sa literal, tinimbang ko at ipinagkatiwala sa kanila.
  3. 8:26-27 mangkok: sa Hebreo, kagamitan.