Add parallel Print Page Options

26 Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento;

27 At dalawang pung (A)mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto.

28 At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga (B)sisidlan ay natatalaga; (C)at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.

Read full chapter