Font Size
Ezra 8:28-30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ezra 8:28-30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
28 Sinabi ko sa mga pari, “Kayo at ang mga kagamitang ito ay ibinukod para sa Panginoon. Ang mga pilak at ginto ay handog na kusang-loob para sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno. 29 Ingatan nʼyo itong mabuti hanggang sa madala nʼyo ito sa mga bodega templo ng Panginoon sa Jerusalem na walang kulang,[a] sa harap ng mga namumunong pari, mga Levita, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita.”
30 Kaya kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang mga pilak, ginto, at ang mga kagamitan, na walang kulang, para dalhin sa templo ng aming Dios sa Jerusalem.
Read full chapterFootnotes
- 8:29 na walang kulang: sa literal, na tinimbang. Ganito rin sa talatang 30,32.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®