Add parallel Print Page Options

31 Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng (A)Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa (B)kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.

32 (C)At tayo ay nagsidating sa Jerusalem, at nagsitahan doon na tatlong araw.

33 At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay (D)natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni (E)Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si (F)Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita)—

Read full chapter