Ezra 2:35-63
Magandang Balita Biblia
21-35 Ito naman ang listahan ng mga angkang nakabalik na nakatira sa mga sumusunod na bayan:
| Bethlehem | 123 |
| Netofa | 56 |
| Anatot | 128 |
| Azmavet | 42 |
| Jearim, Cafira at Beerot | 743 |
| Rama at Geba | 621 |
| Micmas | 122 |
| Bethel at Hai | 223 |
| Nebo | 52 |
| Magbis | 156 |
| Elam | 1,254 |
| Harim | 320 |
| Lod, Hadid, at Ono | 725 |
| Jerico | 345 |
| Senaa | 3,630 |
36-39 Ito naman ang listahan ng mga angkan ng pari:
| Jedaias (mula kay Jeshua) | 973 |
| Imer | 1,052 |
| Pashur | 1,247 |
| Harim | 1,017 |
40-42 Ito naman ang listahan ng mga angkan ng Levita:
| Jeshua at Kadmiel (mula kay Hodavias) | 74 |
| Mga mang-aawit (mula kay Asaf) | 128 |
| Mga bantay-pinto (mula kina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai) | 139 |
43-54 Ang mga manggagawa naman ng Templo na nakabalik mula sa pagkabihag ay ang mga angkan nina:
Ziha, Hasufa, Tabaot,
Keros, Siaha, Padon,
Lebana, Hagaba, Akub,
Hagab, Samlai, Hanan,
Gidel, Gahar, Reaias,
Rezin, Nekoda, Gazam,
Uza, Pasea, Besai,
Asnah, Meunim, Nefisim,
Bakbuk, Hakufa, Harhur,
Bazlut, Mehida, Harsa,
Barkos, Sisera, Tema,
Nezias, at Hatifa.
55-57 Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga sumusunod na angkan ng mga lingkod ni Solomon:
Sotai, Hasoferet, Peruda,
Jaala, Darkon, Gidel,
Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim,
at Ami.
58 Ang kabuuang bilang ng mga nagmula sa angkan ng mga manggagawa sa Templo at ng mga lingkod ni Solomon na bumalik mula sa pagkabihag ay 392.
59-60 May 652 na buhat sa mga angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda ang bumalik mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adan, at Imer, kahit hindi nila napatunayan na sila'y mga Israelita.
61-62 Hindi rin mapatunayan ng mga sumusunod na angkan ng mga pari ang kanilang pinagmulang lahi: Habaias, Hakoz, at Barzilai. Ang kauna-unahang ninuno ng angkang ito ay nakapag-asawa sa anak na babae ni Barzilai na Gileadita, kaya't ang pangalan ng kanilang angkan ay mula sa pangalan ng kanyang biyenan. Hindi sila ibinilang na mga pari sapagkat hindi nila napatunayan kung sino ang kanilang mga ninuno. 63 Sinabihan(A) sila ng tagapamahalang Judio na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing handog sa Diyos hanggang wala pang pari na maaaring sumangguni sa Urim at Tumim.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
