Add parallel Print Page Options

Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon

Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita, dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal[a] ng Dios. Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya,[b] ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
  2. 1:6 pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya: o, pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya.