Add parallel Print Page Options

dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal[a] ng Dios. Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya,[b] ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo. Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
  2. 1:6 pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya: o, pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya.