Add parallel Print Page Options

Kahilingan para kay Onesimo

Kaya nga, bagaman bilang kapatid mo kay Cristo ay malakas ang loob kong iutos sana sa iyo ang nararapat gawin, mas minabuti kong makiusap sa iyo sa ngalan ng pag-ibig. Akong si Pablo, na sugo ni Cristo Jesus at ngayo'y nakabilanggo dahil sa kanya,[a] 10 ay(A) nakikiusap sa iyo para kay Onesimo na aking anak sa pananampalataya. Ako'y naging isang ama sa kanya habang ako'y nakabilanggo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 Akong si Pablo…sa kanya: o kaya’y Akong si Pablo ay matanda na, at ngayon ay isa ring bilanggo dahil kay Cristo Jesus .