Add parallel Print Page Options

13 Dahil dito, naging maliwanag sa lahat ng mga bantay sa palasyo at sa lahat ng iba pang tao na ako ay nakatanikala dahil kay Cristo. 14 Dahil sa aking pagkatanikala ang nakararami sa mga kapatid sa Panginoon ay lalong nagtiwala sa Panginoon, sila ay lalong naging malakas ang loob sa pangangaral ng salita nang walang takot.

15 Totoo ngang may ilang nangangaral patungkol kay Cristo dahil sa inggit at dahil sa paglalaban-laban ngunit ang iba naman ay sa mabuting kalooban.

Read full chapter