Font Size
Filipos 1:16-18
Ang Salita ng Diyos
Filipos 1:16-18
Ang Salita ng Diyos
16 Ang ilan ay naghahayag patungkol kay Cristo dahil sa makasariling hangarin, hindi sa katapatan ng kalooban, na nag-aakalang ito ay makakadagdag ng paghihirap sa aking pagkakatanikala. 17 Ngunit ang iba ay gumagawa nang dahil sa pag-ibig, na kanilang nalalaman na ako ay itinalaga sa pagtatanggol sa ebanghelyo. 18 Ano nga ang kahalagahan nito? Ang mahalaga ay naipangaral si Cristo sa anumang paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan. Dahil dito, ako ay nagagalak at patuloy na magagalak.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International