Add parallel Print Page Options

17 Ngunit ang iba ay gumagawa nang dahil sa pag-ibig, na kanilang nalalaman na ako ay itinalaga sa pagtatanggol sa ebanghelyo. 18 Ano nga ang kahalagahan nito? Ang mahalaga ay naipangaral si Cristo sa anumang paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan. Dahil dito, ako ay nagagalak at patuloy na magagalak.

19 Sapagkat nalalaman kong ang kahihinatnan nito ay ang aking kalayaan sa pamamagitan ng inyong pananalangin may paghiling at sa pamamagitan ng mga ipinagkakaloob ng Espiritu ni Jesucristo.

Read full chapter