Add parallel Print Page Options

At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (A)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;

10 Upang (B)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (C)hanggang sa kaarawan ni Cristo;

11 Na mangapuspos ng (D)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (E)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.

Read full chapter